Festivals, Interview

Cinemalaya 2021: Filmmaker Arjanmar Rebeta on regional cinema, dreams, and ‘An Sadit na Planeta’

Recently, a filmmaker has been making a name in Philippine cinema after winning the Grand Prize in Nespresso Talents 2020, Philippine Competition—and being the first Filipino to be included in the International Competition of the same festival. This year, another film of his titled An Sadit na Planeta was selected in the Cinemalaya Independent Film Festival 2021 as part of the Main Competition, winning the NETPAC Jury Prize, Special Jury Prize, and Audience Choice Award.

The cinematic form of capturing the entire film with a 360 camera is what made the film more interesting than most entries. It shows every landscape as a little planet—an allegory of our present situation in lockdown. I had the chance to talk with Arjanmar Rebeta, the filmmaker behind this inventive film, about his experiences growing up in the Bicol region and his filmmaking journey so far.

SINE LIWANAG: If there’s a film that would best introduce you as a filmmaker, what would it be?

Arjan: Medyo mahirap na sagot ‘yan e. Medyo somehow insecurity ko siya na hindi ako masyadong mahilig manood mula noon pa. Kaya sabi ko medyo imposible kung paano ako napunta sa filmmaking kasi wala akong background [o] anything about film. Kahit no’ng bata pa ako ‘di ako mahilig manood. TV lang siguro pero wala akong connection sa paano ba ‘to ginagawa. Medyo ngayon pa lang ako, parang [lately] lang siguro ako masyadong nanonood muna ulit para mas makabisa ‘yung film language pero medyo late. 

Parang yung latest kong masasabi parang baka hindi pa siya ‘yung pinaka-okay, kaya parang part pa siya ng bago—‘yung Parasite kasi ando’n na lahat e. Sana ganito rin magawa ko somehow. Mahilig din ako sa symbolism; which pinasok siya lahat doon sa Parasite. ‘Di ba may mga code, may mga bato, [at] kung ano-anong mga symbols. Mahilig ako sa mga ganoong symbol. 

Ang background ko kasi talaga is philosophy. Kahit nga sa mapapansin mo sa An Sadit na Planeta, somehow philosophical siya. So sa ngayon siguro Parasite na muna, kasi sa ngayon yun muna yung medyo nakikitaan ko ng malapit sa ‘kin.

SL: What were your interests when you were younger?

Arjan: Siguro walang bata na hindi nangarap maging astronaut so dumaan talaga sa level ng ganun. Siguro dahil din sa limitado ang probinsya sa kung ano man. Kahit nga sa TV limitado ang nakikita mo so kung minsan nalilimitahan din kung ano ang pangarap mo. Dahil mga Science book ang malapit sa mga kabataan—o sa probinsya—nakikita mo agad na astronaut, so somehow ikakabit ko uli siya sa aming film na An Sadit na Planeta with this. 

No’ng January, binuksan ko uli ‘yung vlogging channel as a content creator. So, travel-travel ako. Pinangalanan ko ‘yong Astronoy. Parang pinoy astronaut na nagta-travel siya and ‘yung isang naging treatment do’n ‘yung little planet na konsepto with this 360 camera. So nagmo-motor ako, nagba-bike kung saan-saan. Nagamit ko yung little planet o ‘yung 360 camera kaya malaking bagay, malaking inspirasyon din ‘yun na pinagmulan [ng An Sadit na Planeta]. Parang dati, matatandaan ko uli na naging gusto ko pala maging astonaut. Pero sa totoo lang, [ngayon], Astronoy ka with this content creator.

SL: Isa po kayo sa mga may distinct na boses as a filmmaker. Hindi po kasi madaling hanapin ang boses. Saan po kayo kumukha ng parang experimentation sa form? Mas nanggagaling po ba siya sa loob?

Arjan: Mahilig akong mag-experiment ng mga bago; mas gusto ko ngang tawagin ang sarili ko na “artist”—pero medyo malalim-lalim pa ‘yun. Pero gusto kong ma-i-level do’n sa artist. Hindi ako nagpapaka-artist, kung ‘di artist siya na may gusto siyang gawin na bago, na parang swak din sa personality niya, sa konsepto na babagay do’n sa pagkatao niya. 

So, sa tingin ko, doon [siya] nanggagaling. Kasi bukod dito sa ginawa naming treatment na 360, gumawa na rin ako ng short film na gawa lang din sa smartphone noong 2018. ‘Yung Palabas, ewan ko kung makikta n’yo, kaso prinivate ko na uli siya sa Facebook pero sociopolitical siya. Marami kasi akong mga kwento na mas nakaangkla sa socio-political sa kasalukuyang panahon. Example, ‘yung Palabas, tungkol siya sa extrajudicial killings. ‘Yung mga treatment ko medyo tina-try kong maging kakaiba. Hindi naman siya sinasadya na parang papansin lang, pero dapat mas nababagay pa rin do’n sa treatment mo, and sa konsepto mo na hindi sila dapat nagkakalayo. 

SL: Since sa mobile filmmaking, mas nate-test po ‘yung personal relationship n’yo because you’re working with few people and few resources. Paano po nakakaapekto ‘yung ganitong process sa mga ginagawa n’yo?

Arjan: Siguro nagiging part na nga [yung] nagiging inventive ka kung ano ‘yung merong availbale. So, kung sinong available na tao, sila ‘yung mga makakasama mo. Anong available na gadget, ‘yun ‘yung pwede mong i-maximize lang. Mas lumalabas ‘yung creativity mo do’n. Ang importante naman kasi do’n, totoo kang magkwento. Sincere ka do’n sa sinasabi mo na parang hindi rin siya basta gawa-gawa kung ‘di may pinanggagalingan siya. 

Importante ‘yung hugot ng filmmaker. Parang ‘yung sa Palabas, ‘yun nga extrajudicial killings—mga injustice na nakikita natin sa paligid, sa gobyerno. Hindi ka kasi nakakaangat sa lupa. Part ka ng mismong society na dapat kang makialam. So, ‘yung sa Viral Kids, mga bata naman siya na napapabayaan. Lalo na ‘yung panahon na gustong ibaba ‘yung criminal age to 12 [years old]. So, sino ba talagang mas kriminal: ‘yung mga bata o ‘yung mga mas nagpapabayang matatanda?

Mas naging personal ‘tong The Little Planet. Ito ‘yung naramdaman ko ngayong pandemic. Kaya nga mas pinilit ko na din na ako na lang din mag-acting kahit na hindi naman ako nag-a-acting. Pero part din siya ng pagtitipid kasi wala ka naman talagang pwedeng makuhang iba. Part siya ng pinagdadaanan ngayong panahon. Sige, “kayo[-kayo] muna.” Somehow, pasalamat din kasi natanggap. Na-appreciate pa din kahit kami-kami lang.

SL: Given po na galing po kayo sa Bicol region and with your story na kulang po ang resources niyo, paano po ito nakaapekto sa process n’yo?

Arjan: Sobrang challenging makapsok sa industry kapag nagisismula ka pa lang. Kaya sa akin, ginamit kong avenue ‘yung mga film festival para magpakilala. Kasi sabi ko nga, wala akong background. Wala akong network. Paano ka makakapasok? Kaya malaking pasasalamat ko sa mga festival na nakakatanggap ng aking mga film kasi sila ‘yung nagbubukas ng mga pinto, ng mga bintana papunta sa industry. 

Minsan do’n ka talaga makakilala ng mga tao na ikakabit ka dito, ikakabit ka do’n. Parang ang isang pinaka “the best” example ko d’yan is ‘yung isang short film ko napili sa Cinema Rehiyon. ‘Yung Cinema Rehiyon nagbukas ng pitching. ‘Yung pitching naawardan ako ng free workshop kay Sir Ricky Lee. So ‘yung pagbukas kay Sir Ricky Lee, sobrang bukas na naman ng ibang opportunity dahil do’n. Nagkakaroon ka rin ng lakas ng loob, ng confidence na magpatuloy. Kasi parang nakikita mo naman na naggo-grow ka. 

Basta ang importante, ‘yung kwento mo dala-dala mo pa rin. ‘Yung kwento mo, hindi lang basta regional, kung ‘di ikaw na lang na Bicolano—na may kwentong maibabahagi, may maiseshare na nararanasan mo mismo. Hindi lang sa region mo kung ’di sa Pilipino. So, at the end of the day hindi ka lang nagkukuwento bilang regional filmmaker kung ‘di bilang Pilipino mismo.

SL: Ano po ba ang gusto n’yong puntahan, like goal? Sa industry po ba?

Arjan: Oo, parang ang isa naman talaga diyan is gumagawa ka ng short films [para] magkaroon ka ng portfolio, para handa ka para sana for full-length. ‘Yun naman ‘yung target; and happy naman ako ngayon dahil may inihahanda na kaming full-length soon. Preparing na siya. 

SL: Meron po ba tayong pasilip sa pine-prepare n’yong full-length? Hindi naman po kailangang i-reveal pero ano po ang relasyon n’yo with this film?

Arjan: May kaunti pa rin siyang inspiration sa pinagdaanan mo bilang isang nangagarap. Kwento pa rin siya ng isang pangarap. May gusto kang abutin pero medyo napapagitnaan ka ng responsibilidad mo at ng pangarap mo. Pero sa likod ng gano’ng mga journey, meron ka ding kailangang i-consider bilang parte ng society. Siguro magandang gusto kong sabihin is isa siyang musical fantasy. 

SL: Interesting po! Sa An Sadit na Planeta paano po ba ang naging process n’yo sa paggawa? Saan po ang location and interesting thing na malaman po namin?

Arjan: Majority ng shinoot, sa Pampanga. Lalo na ‘yung marami do’n ‘di bang mga parang lahar o parang mga empty land. Then ang other shinoot ko is sa Camarines Sur, sa Rizal, at saka sa Quezon City. Interesting lang is ginawa siya sa 360 and depende sa treatment. ‘Yung mga tumatakbo ako nakakabit sa ‘kin ‘yung camera no’n. So, ‘yung mga nakatayo-tayo lang ako, nasa gilid ko lang ‘yung camera. Another trivia is tatlo lang kami: ‘yung asawa ko at saka ‘yung aso namin. Nasa credit din ‘yung aso namin bilang cute production assistant. 

SL: Paano po siya nagsimula? Meron po ba kayong script?

Arjan: Meron naman nang idea. Meron nang script na sinulat. Pero habang sinu-shoot siya, nagbabago ‘yung script. Kung nasa location na nakita ko, “Uy ang ganda nito,” so, dapat dito mag-start kasi wala pang masyadong mga puno. So ‘yung napansin mo kanina na nag-i-improve ang location from walang mga puno papunta sa mas marami—yumayabong siya. 

Wala siya sa original script pero dahil binibigay ng location na, “Uy maganda to gamitin natin for another treatment.” So, do’n siya nag-e-evolve. ‘Yun lang ‘yung kagandahan sa film na ‘to nag-e-evolve siya depende sa binibigay ng pagkakataon. So kahit ‘yung ending niya, bago siya. ‘Di ko na matandaan kung ano ‘yung original ending. So nabago siya no’ng nakita din namin ‘yung magandang spot na yun. Sa UP Diliman ‘yun diba. Ang ganda ng spot na ‘yun. Ganun siya kabilis magbago depende sa binibigay ng location. 

SL: Buti naman po willing to adapt po kayo with the given locations and situations?

Arjan: ‘Yung siguro sa kagandahan na ikaw ‘yung nagsulat; and ‘yun din [ang] kaganahan na parang mas napapa-improve mo siya. Ampangit kasi ‘pag masyado kang tutok na tutok sa script tapos [‘pag] hindi binigay ng pagkakataon ng location [o] ‘di binibigyan ng pagkakataon ang mga flavor na nasa script mo, ‘di ka na pwede magdabog. Lalo na pandemic ngayon so wala ‘ko[ng] masyadong magagawa. Mas i-improve mo kung ano’ng binigay sa ‘yo; at ang kagandahan naman kasi no’n mas binigay ng pagkakataon ‘yung mas maganda kaysa do’n sa sinulat mo. ‘Yun naman ‘yung nakitaan ko ro’n. Dahil do’n sa binibigay ng location, mas nagko-continue ‘yung pagsusulat ko—mas na-improve siya nang mas maganda pa sa original.

SL: Given with your film’s theme po na pagliit ng planeta, like this lockdown na nakulong po tayo sa mga sarili nating kwarto, paano po ito nakaapekto sa paggawa n’yo ng pelikula?

Arjan: Personally kasi parang bukod sa struggle ko, ‘di ba parang pinagdududahan mo na din ‘yung pangarap mo na maging filmmaker. Kasi unang-una wala ka namang napapala, walang masyado. Walang kita; nag-pandemic pa. Nagnenegosyo kami ng photo-video production, [at] natigil [din] siya. 

So, ang hirap kapag ‘di ka nakakapasok [sa film festival]. Wala kang masyadong network. Wala ka pang nagagawa. Mas tumindi ‘yung anxiety; and ang hirap niya pagdaanan. Kaya nga sinasabi ko ‘yun [sa film]: mas lumiit ang mundo. mas hindi ka na nakakagalaw. Mas hindi mo na nagagawa mga gusto mong gawin. At habang lumiliit ‘yung planeta mo, mas lumalaki ang pagaalala, mga problema, mga kailangang bayaran, mga kung ano-ano. 

SL: Paano po kayo nagge-gain sa filmmaking?

Arjan: Tanggaling muna natin ‘yung pandemic. ‘Pag may nagtatanong kung may kita sa short film, una wala. ‘Wag kang masyadong kumampante sa short filmmaking kasi hindi sigurado. So puro siya passion project.

Actually ‘yung negosyo namin, ‘yung nagfi-finance para mapunan ‘tong passion filmmaking. Pero isa din naman [ang short filmmaking] sa nakaka-inspire, [at] nagbibigay din ng financial support and other experiences na hindi basta mapapantayan.

Halimbawa, dahil lang sa filmmaking kung kaya ako nakapunta [sa] kung saan-saang bansa. Germany, Turkey, Russia, US; and ang kagandahan no’n, free lahat ‘yun so part siya ng benefits ng nagpapatuloy ka. 

Another na swertihan lang din kung manalo ka nga sa mga festival na merong cash award, kasi ‘di naman lahat ng festival may cash award. Ang iba dyan certificate, and iba nga wala talaga. So, halimbawa ‘yung sa Nespresso, meron ka na agad premyo. Itong sa Cinemalaya merong cash so minsan nababawi mo na agad ‘yung mga ginastos mo do’n sa film. Pero again, babalik pa rin tayo do’n sa idea na halos wala talagang kita ‘pag short film; swertihan lang kung meron.

SL: Since mahirap nga po’ng gumawa ng short films, ano po ang pangarap n’yo para sa mga short filmmakers o kaya sa short film po?

Arjan: Pangarap… ang pangarap para sa iba, is magkaroon lang talaga ng tiyaga, determinasyon. Kung gusto mo talaga siyang gawin, kailangan mo lang talaga magtiyaga. Kasi iba-iba tayo ng pagdadaanan. Parang sinabi ko nga, kahit ako aminado na umaabot ako sa stress na… ayaw ko lang gamitin ‘yung term na “depression” pero parang sa pandemic, halos umabot na ‘ko sa ganun. Siguro ‘yung pangarap mo ‘yung minsang magsasalba sa’yo.

Tulad no’ng ginawa nung An Sadit na Planeta, sabi ko, ginawa ko ‘to bilang love letter sa sarili ko. Mapapansin n’yo do’n sa pelikula, paalala siya. Na ‘pag down na down ka na, papanoorin mo siya uli—papanoorin ko siya uli. Para ipaalala, “Hindi naman iikot ang mundo mo kung hindi ka gagawa.” 

Nagkataon lang siguro na may mga pwedeng iba pa na makaka-relate do’n. [Ang] sinasabi ko lang naman is ikaw pa rin talaga. Bilang pinangarap mo ‘tong maging filmmaker, ikaw pa rin magpapa-ikot ng planeta mo; or kung sa sense ng filmmaking, ikaw pa rin ang magpipindot ng record, ikaw ang magdedesisyon kung papaikutin mo ‘yung rolyo ng pelikula mo. Aminado ako, sobrang hirap, so kung gusto mo talaga, kayanin mo. Pero hindi ibig sabihin negative siya kasi wala naman atang pangarap na madali.

SL: Knowing po nada-down po kayo and all, ano pong pakiramdam n’yo lalo po’t maraming nagsasabi na isa po kayo sa pinakamagaling na up and coming filmmaker? 

Arjan: Grabe naman ‘yung magaling. ‘Di ko naman kine-claim ‘yung sarili ko sa ganun. Pero lagi namang amateur, kaya gusto ko pa ring sabihin amateur. Sa isa ngang post ko, ‘di ako comfortable na tinatawag akong “direk” kasi parang ano… gusto kong tawagin n’yo ko sa pangalan ko, “Arjan” o kaya “astronoy”. 

Siguro [nagpopost ako sa social media] dahil ngayon nagbi-build ako ng social media presence, kasi baka kailanganin ko siya in the future. Kasi ‘di ba sabi ko, nagpe-prepare kami for the full-length. Kaya minsan, kahit nahihiya ako, magpopo-post ng mga achievements. Parang kailangan ko siyang i-post dahil part siya ng strategy din for upcoming mga projects. 

Pero isa namang pinaka-reason talaga do’n is to inspire, kasi una, wala naman magpaparapo-post or magpapara-promote sa akin kundi ako lang din naman. Nagkataon lang ang galing [na] may mga sumusuporta talaga. Na pinaparamdam pa rin ng mga tao sa ‘kin na na-a-appreciate nila mga ginagawa ko. Nakikita nila ‘yung pinaghihirapan. 

Sinabi ko nga sa recent post ko about sa Cinemalaya, tatlong beses na ‘kong nag-submit sa Cinemalaya. [Sa] pangatlong beses, [at] saka lang ako na-accept. Naibalik naman, so para maging open ka din na natural na minsan hindi ka naman mapipili e. Pero sabi ko nga ‘di ba, ‘yung Palabas nga isa ‘yun sa sinubmit ko sa Cinemalaya. ‘Di man siya napili, pero ‘di mo alam kung saan ka dadalhin no’n. ‘Yun ‘yung mga nagdala naman sa ‘kin kung saan-saang bansa. So, hindi katapusan ‘yung hindi ka napili sa isang gusto mong festival. 

SL: Given po the social injustices that you’ve mentioned a while ago, paano n’yo po nakikita ang lugar ng pagpepelikula sa mga ganitong kaganapan? Paano po ang relasyon n’yo sa filmmaking at saka sa mga nangyayari po around us?

Arjan: Responsibilidad siya na nagiging instrumento ka ng pagbubukas ng mata ng iba. Kaya nga responsibilidad siya, in the sense na hindi ka lang basta magpapalabas o magkukuwento ng baka hindi naman totoo. So naging instrumento ka pa ng mali. Sana magamit tayo biglang instrumento ng katotohanan. At kung paano[ng] instrumento ng mga nararanasan—lalo na ng mga naaapi. So, mas maganda na nakafavor tayo don sa naaapi.

SL: Any last words po?

Talagang laban lang, gamit na gamit ko siya pero talagang laging paalalahanan [ang] sarili kasi naniniwala ako na may kakayahan din ang sarili na palakasin mo ang sarili mo… Although importante pa rin na maraming tao. Marami pa rin talagang naniniwala sayo, maraming tumutulong sayo. 

Ako iba ako, naniniwala talaga ‘ko sa Diyos, kaya lagi akong nagpapasalamat sa Kanya. Mga biyayang ‘to sabi ko parang galing to sa Kanya. Pero ganunpaman, tumulong man sa ‘yo ang Diyos, ang kapwa mo, kaibigan mo, lahat na kung sino pang mga tutulong sayo—wala pa rin ‘yung magagawa kung hindi ikaw mismo ang magdedesisyon na gusto mong lumaban. 

Laban pa rin. Paikutin mo ang sarili mong planeta.

Interview was edited for length. Cinemalaya films can be streamed on KTX.PH until September 5.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s